Suki na rin ako sa mga interviews. Sana nga lang album launching ang dahilan ng interview na un at hindi ang isang posisyon sa trabaho. Yung iba, ndi na ko pinabalik, ung iba naman, pinabalik balik pero napunta rin sa wala (charge it to experience na lang),
ung iba naman isang paspasan pasok kagad. Malas nga ata talaga ako pagdating sa trabaho- pakiramdam ko kasi ang dami dami kong gustong gawin, ang dami dami kong gustong hanapin-- ung nga lang hindi ko mahanap at hindi ko magawa... 
Pero kung meron man siguro akong ipagpapasalamat sa mga interviews na un- siguro nga ang experience na makilala ang sarili ko.
Nung unang graduate ako, medyo plastik pa ang mga sagot ko- pakiramdam ko lagi akong nagsusuot ng maskara. Pero ng tumagal tagal na rin, nagiging kumportable na rin ako sa pagsuot ng maskara- hanggang sa naisip ko- naging parte na rin ng mukha kong yon ang sinusuot kong maskara, ndi ko na pala siya sinusuot- mukha ko na pala talaga siya.
Marami rami na rin sa king naibatong mga tanong na medyo nahirapan akong sagutin. Ung bang, todo tingin ka sa mata ng interviewer mo pero nung tinanong niya ung tanong niyang sobra sa pagka cerebral- bigla na lang umikot ang mata mo sa dingding at kisame para doon hanapin ang sagot. Minsan kasi, ang weird ng mga naiisip ng interviewer, ndi mo rin alam kung may rason ba ang mga tanong nila o talagang gusto lang nilang magkalkal ng pagkatao mo.
eto ang ilan sa mga tanong na medyo tumatak sa utak ko...
1. KUNG AAKYAT KA SA MOUNT FUJI... will u take it slower or faster?
Answer: slower po... just to seize the moment. mas maaapreciate mo ang tuktok pag nahirapan ka paakyat... at tsaka isa pa, ang hirap pag dating mo kagad sa tuktok-- kailangan mong matutuhan kung papano bumaba...
2. WHAT IS THE DIFFERENCE BETWEEN "OBSSESSIVE COMPULSIVE" AND "RESPONSIBLE"? SINO KA SA DALAWA?
Answer: mmm... ung OC po parang OA. Ung responsible, ginagawa lang niya ung sa tingin niya dapat niyang gawin. Pero wala naman pong masama kung magiging OC ka habang nagiging responsable ka e...
3. IKAW BA TO?
(titig na titig sa picture ko sa resume tapos biglang titig sa mukha ko)
Answer: Opo-- ako yan-- wag na kayo magduda-- medyo photogenic lang ako kaya ganyan.. ahehehehe
4. IF YOU WANT TO GO SOMEWHERE IN THE PAST- where would it be.
Answer: College life po. Miss ko na po kasi ang video cam...
5. Q: WHAT MAKES YOU MAD?
A: if i feel that life is unfair...
Q: ANO ANG "UNFAIR" PARA SA YO?
A: wasted efforts
Q: How can you say na wasted ang efforts mo
A: < pag po... amm... ano po... am... >
Hay,ilan pa kayang mga tanong ang maririnig ko sa buhay ko na mahihirapan akong sagutin... Mmmm...


